Month: Mayo 2024

Magmahal Tulad Ng Ina

Kinuwento ni Juanita sa pamangkin ang kabataan niya noong panahon ng ‘Great Depression’ noong 1930s. Mansanas lang ang pagkain ng mahirap nilang pamilya, at kung anumang hayop ang mahuhuli ng tatay niya. ‘Pag nakahuli ng squirrel ang tatay niya, sasabihin ng nanay niya, “Akin ang ulo. ‘Yan lang ang gusto ko, pinakamasarap na laman.” Taon ang lumipas bago naintindihan ni Juanita na…

Batid Niya

Malapit nang magsimulang magtrabaho si Lea bilang nurse sa Taiwan. Mas matutustusan na niya ang pangangailangan ng pamilya, kaysa kung sa Maynila na mas limitado ang trabaho at kita. Noong huling gabi bago tumungo sa Taiwan, nagbilin siya sa kapatid na mag-aalaga sa anak niyang limang taong gulang. “Iinumin niya ang bitamina kung bibigyan mo rin siya ng isang kutsara…

Ama Namin

Tuwing umaga, dinadalangin ko ang Ama Namin. Hindi ako kapakipakinabang sa bagong araw hanggat hindi ko naitatapak ang mga paa ko ng mga salita ng panalanging ‘yan. Kamakailan, dalawang salita – “Ama namin” – pa lang ang nasasabi ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagulat ako kasi 5:43 pa lang nang umaga. Pagtingin ko sa cellphone, nakita ko “Tatay”…

Puso Na Nais Maglingkod

May paglilingkod sa Carlsbad, New Mexico, na naghahandog buwan-buwan ng higit 10,000 kilo ng libreng pagkain sa komunidad. Sabi ng lider ng paglilingkod, “Puwedeng pumunta ang mga tao dito. Tatanggapin namin sila. Nais naming matugunan ang pangangailang pisikal para magbigay daan sa pangangailangan ng kanilang espiritu.

Bilang nagtitiwala kay Cristo, nais ng Dios na gamitin natin kung ano ang mayroon…

Sabik Sa Tahanan

Nasabik magkaroon ng pamilya ang ulilang si Anne, ang bida sa kuwentong Anne of Green Gables. Nawalan na siya ng pag-asa pero, isang araw, nalaman niyang kukupkupin siya nina Mang Mateo, isang matandang lalaki, at kapatid nitong babae na si Aling Marilla. Habang sakay ng kalesa pauwi sa bagong tahanan, masayang nagkukuwento si Anne. Kinalaunan, humingi siya ng paumanhin dahil…