Isang grupo ng kabataan ang bumisita sa isang home for the aged sa Jamaica kung saan kinukupkop ang mga matatanda. Napansin ng isa sa kanila ang matandang lalaki na malungkot. Parang wala nang natitira pa sa matanda kundi ang kanyang higaan na hindi niya kayang galawin dahil sa kapansanan.

Ibinahagi ng kabataang babae sa matanda ang tungkol sa pag-ibig ng Dios at ang tungkol sa kamatayan ni Jesus. Sinabi ng babae, “Hindi madali ang buhay para sa matanda na noo’y wala ng pamilya at wala ring pag-asa. Pero nag-iba ito nang maunawaan niya na mayroong nagmamahal sa kanya ng lubos at nagawa pang mag-alay ng buhay para maligtas siya sa kaparusahan ng kasalanan.”

Marami pang ibinahagi ang kabataan sa matanda tungkol kay Jesus at sa pangako Niya na kung sino man ang sasampalataya sa Kanya ay mapupunta sa langit at magkakaroon din ng bagong katawan. Tinanong siya ng matanda, “Magsasayaw ka ba kasama ko sa langit?” Nagsimula nang isipin ng matanda na wala na siyang kapansanan pagdating sa langit.

Nagpasya ang matanda na sumampalataya kay Jesus. Tinulungan siya ng kabataan na manalangin kung saan siya’y nagsisi at humingi ng kapatawaran sa Dios.

Purihin ang Dios sa iniaalok Niyang Magandang Balita ng pagliligtas ng Panginoong Jesus! Ang Magandang Balitang ito na para sa lahat ay nakakapagpabago ng buhay at nagbibigay ng pag-asa.